Wednesday, October 27, 2010

Baril-barilan

Dati natatandaan ko, ang laro ko baril-barilan.  Ang mga kalaro ko mga lalaki.  Haha.  Ang saya. 

O sige, saka na ulit.  Para makapagkuwento na naman tungkol sa pera.  Tsaw!

Si Teks at Plastik Balloon

Mahilig akong bumili noon at maglaro ng plastik balun.  Ito na ho ata ang paborito kung laruan.  Hehe.  Bumibili ako nito madalas sa tindahan sa kapitbahay.  Batang-bata pa ako naglalaro ako nito.  Minsan natatandaan ko bumili ako ng plastik balun na may kasamang teks card.  Niluray ko lang yung hindi pa nahihipang plastik balun sa semento sa bahay namin at kinuha ko lang yung card.  Pilya talaga.  Hmmm.

Sabi nila yung teks card daw larung panlalaki lang.  Eh, gusto kung maglaro non eh.  Ang ganda kaya, may mga drowing at komiks.  Tapos pipitikin mo lang sa kamay mo.

Nakakaadik yung amoy ng plastik balun.  Hehe.  Tapos kakagatin mo pagka may butas at isi-seal mo ng bibig.  Tapos may laruan ka ng plastik balun na paliliparin mo.  Ang saya talaga!  Kakamiss ano.  Minsan, sana maibalik mo pa ang kabataan.

Bilmoko girl

Naaalala ko ho nong bata pa ako.  Pupunta kami sa Connie's supermart.  Ito na ho ang ekwibalent ng mag-malling noon.  Mahilig po akong magpabili sa aking mga magulang ng kahit na anong mapusuan ko sa tindahang ito.  Ako po si bilmoko girl.

Ang isa pong bilmoko girl ay lumalaking magaling sa bisnes.  He he.  Ipagdarasal ko ho ang mga katuparan ng pangarap ko.  In da mintaym, tutulong po ako sa mga matutulungan ko sa abot ng aking kaalaman at makakaya.

Mahilig ka talagang bumili ha.  Siguro sa ngayon na-analays mo na ang buyer beheybyor ng mga mamimili.  Maging magaling din sa pagnenegosyo.  At isipin na ang pagnenegosyo ay isang paraan upang makatulong sa ibang tao.

Bilmoko!

Konsulta!

Sa ngayon ho ay isinusulong ko ang pangungonsulta.  Gusto ko ho kasing maging business consultant at life coach/counsellor.  Gusto ko hong ibahagi sa iba ang kaalaman do sa bisnes.  Mahalaga hong kaalaman ang pagbibisnes dahil ito ay isang basic na knowledge para ho sa isang taong nabubuhay sa mundo kung saan hindi libre ang mabuhay.  Kailangan hong magtrabaho.  At paano kung walang trabahong abeylabol?  Kailangan marunong tumayo sa sariling mga paa.  Kailangan maging malakas.  Ito ho ang gusto kong itulong sa ibang tao.  Marami ho sa mga Pilipino ay hikahos sa buhay.  Marami rin naman ho ang parang walang pagdadalhan ng pera.  Kung gumastos sa mga mol, parang gustong bilhin ang buong mol.  Tsk, tsk.

May mga blogs ho ako na nagbibigay ng libreng adbays sa bisness at personal na mga problema.  Bisitahin niyo!  businessproblems08.blogspot.com at personallifeproblems08.blogspot.com.  Dito ho puwede tayong magbalitaktakan, mag-usap, at magkonsultahan.  Gusto ko ho lang kasing tumulong sa mga may bisnes o personal layp prablems.  Baka sakaling makatulong.  Malaking bagay din ho yan para sa mundo.

Nais ko ring magturo tungkol sa bisnes.  Mayroon din akong mga blogs tungkol sa topikong ito.  entrepreneurship10108.blogspot.com at businessandlifeconsultancy08.blogspot.com.  At iba pang blog kung saan puwede kayong matuto tungkol sa bisnes.  workideas08.blogspot.com, fundmywork08.blogspot.com at myonlinestore08.blogspot.com kung saan nakalista ang mga bagay na binebenta ko o sinusubukan kong ibenta at maaaring palaguin bilang isang progresibong negosyo.  Subukan na!

Ito ho ang mga serbisyong gusto kong itulong sa mga tao.  Maraming salamat ho sa lahat lalo na sa Panginoon sa pagbibigay sa akin ng mga blesings na ito.  Mabuhay ho ang lahat ng tao.  At ipagdadasal ko ho ang kabutihan ng lahat.

Working Student 2

Minsan ay nagtrabaho rin ako sa airport.  Ang trabaho ko ho don ay mag-accounting work.  Makabuluhan naman ho ang naging karanasan ko dito.  Nagamit ko ang pinag-aaralan ko.  Naging malapit ako sa bos na humahawak sa akin.  Minsan naisasama kami sa mga miting tungkol sa pagpapalit ng uniporme na susuutin ng mga empleyado.  Nailibre na rin kami minsan sa Dampa sa Paranaque. Dahil nabigyan namin ang bos na ito ng bertday keyk.  Para lang naglalaro.  Hindi para sa suweldo.  Oo, para sa suweldo rin pero may mas mataas na kahalagahan.  Ang ekspiryens.  Ang matuto sa buhay.  Tinuturuan siguro ako ng Diyos kung paano ang pagtatrabaho.  Naisama pa kami sa summer outing.  Masaya!  Ekspiryensiya.

Working Student

Nagkaroon ho ako ng pagkakataon na makapagtrabaho ng 2 buwan sa Jollibee.  Natatandaan ko pa ho non, sa may branch sa Megamall.  Papasok ho ako ng 9 nang umaga.  Manggagaling pa ho ako sa aming malayong lugar para lang ho umabot sa pagpasok sa umaga.  4 na oras ho ang syip.  Pagkatapos, papasok pa sa La Salle.  Hay!  Pagdating ko sa La Salle.  Pawis-pawisan na ako, at pagod na pagod, matutulog sa malamig na laybrari at saka gigising pag ka papasok na sa klasrum.  Hinang-hina ako.  Ubus na ang enerhiya ko sa pagtatrabaho.  Patpatin pa ako noon.  Minsan sakitin pa.  Tapos mag-aaral pa.  Para kang dobol syip.

Minsan naman klosing syip ako sa Jollibee.  Hanggang alas dose ng hatinggabi ako nagtatrabaho.  Siryoso kaming nagtatrabaho ng mga ka-syip ko, pawang mga kabataan din.  Magpapahintay ako sa Papa ko na galing sa pagtatrabaho sa kalapit ng Ortigas bisnes distrik bilang abogado.  Hanggang alas dose iyon.  Ang tiyaga ng Papa ko at mahal na mahal ako.  Salamat, Papa.  Mahal kita.  Namin nina Mama at kapatid.  Doon ko na-riyalays ang balyu ng pagtatrabaho.  Ang galing.  Ang sarap ng pakiramdam.  Ang sarap maramdaman.  Hindi lang para sa pera.  Kundi para sa pamilya.  At sa Diyos.  Ganoon pala ang buhay at karanasan ng ibang kabataan.  Kung ang iba gumigimik lang sa mga bar pag gabi.  Ako at ang iba kong nakasama, nagtatrabaho para may pera pantustos sa pangangailangan. 

Tuesday, October 26, 2010

Pagbebenta Ekspiryens 2

Maraming dahilan ang pagbebenta.  Minsan gusto mo lang.  Madalas kasi wala kang pera.  O kaya gusto mo lang gumawa ng pera.  Maraming nagbebenta.  Halos lahat ata nagbebenta.  Sari-saring produkto o mertyandays.  Maganda man o panget.  Ikaw ang mamili.

Nadiskubre ko ang sikreto sa pagbebenta.  Ako ay nagtatrabaho noon sa isang pharmaceutical pirm.  Ako ho ay nagbenta ng kompyuter at kompyuter pradakts sa pinagtatrabahuhan ko.  Ang kompyuter pirm na magsusuplay ay ang pirm na kung saan nagtatrabaho ang Mama ko.  Ginawa ko ang pagbebenta hindi para sa pera, kundi para makatulong sa kompanya ng Mama ko dahil medyo hirap na ang operasyon nito simula ng magka-ekonomik kraysis.  Iyon po ang sikreto.  Ang makatulong.  Ang gumawa ng mabuti.  Kaya ho ako nakabenta.  Maraming salamat sa Diyos.  Siya ho ang nag-aayos ng lahat.

Kaya kung kailangan nyo ng pera.  Magbenta.  Huwag nang mag-atubili.  Punan ang pangangailangan.  Para hindi magutom. Magbenta.  Matutong Magbenta.  Pahalagahan ang pagbebenta.  Benta na!

At hindi ho lahat sa pagbebenta ay puro pera.  Ang masimportante ay ang makatulong.  Ang sundin ang mga lo ng Diyos.

At siyempre masaya rin itong gawin.

Kung gusto niyong matutong magbenta, sumulat sa akin sa ellauntalan@yahoo.com o sa eu_clientsphils@yahoo.com or mag-txt sa 639214309870.

Ekspiryens sa Pagbebenta

Ito ho ay isa sa mga ekspiryensiya ko sa pagbebenta.  Medyo bata pa ho ako noon.  Sa kagustuhan ko ho na makagawa ng pera, ako ho ay nagbenta ng Avon.  Isang araw nasa daan ho kami ng Mama ko.  Siya pauwi na, ako ay nagpaiwan sa daan.  Humingi ako ng P50 sa Mama ko, tangan ang dala kong Avon brosyur.  Sami ko sa sarili ko magbebenta ako.  Hindi ganoon kahirap.  Kahit kanino lang.  Ganon naman yon di ba?  Maraming potensyal na kostumer sa daan.  Sami ko patutubuin ko yung P50 na binigay sa akin ng Mama ko.  Pagdating ng hapon, kailangan mapatubo ko na ito.  Siyempre, nabigo ako.  Hindi ako nakabenta.  Pero nagalak ako dahil may natutunan ako.  Ang umasa sa Diyos, ang gawin ang imposible.  Mangarap at matutupad.  Parang isang bata.

Nung minsan naman wala akong ginagawa.  Sinubukan kong magbenta ng Avon sa isang saleslady sa loob ng mol.  Basta ka na lang di pinansin.  Tinanggihan.  Ay, aray.  Ang sakit pala maredyek.  Para kang pinangdidirihan.  Para walang tiwala sa iyo.  Masakit.  Ikaw naranasan mo na ba?

Unang-una kong benta sa Avon, isang eye mask.  Yung color aqua blue na nilalagay pa sa rep.  Mahal yon.  Pero yon ang una kong benta.  Ang kapatid ko ang kostumer.  Galing no!

Gusto nyo ho bang magnegosyo?

Nag-iimbita po ako ng gustong magnegosyo.  Amway, ho.  Nagtitinda ho sila ng dishwashing liquid, sabon at ibang organic ng produkto.  Hindi pa ho ako miyembro.  Pero ho kasi ang Mama ko nakaatend na ng presentasyon ng negosyong ito.  Nakakabilib ho.  Isa ho itong networking kampani.  May membersyip ho na P1000.  Wala pa ho ako ng ganitong halaga.  Kaya ho ako nagtatanong ng gustong magmiyembro ay para kumita ho ako at magkaroon ng P1000 ng pambayad ko sa membersyip ko.  Tama naman di ba ang prinsipyong ito.  Kailangan maghanap ka muna ng kostumers bago ka makapagbenta.  Pagkinita ko na ang kaukulang halaga, makakapag-miyembro na ako.  Di ba.  Tara na! I-email nyo lang ho ako sa ellauntalan@yahoo.com o eu_clientsphils@yahoo.com  o mag-txt sa numerong 639214309870.

Welkam ho sa lahat!

Magandang araw!  Welkam ho sa lahat ng mambabasa ng blog ko.  Ito po ay isang tagalog blog na mapapasainyo para mapaglingkuran ang anumang katanungan ang meron kayo tungkol sa pagbibisnes, buhay, sa Diyos, lablayp at iba pa.  Naglalaman ho rin ito na mga kuro-kuro tungkol sa iba-ibang topiko na maiisip niyo dito sa mundo.  Makabuluhan man o hindi masyado.  Basta pampasaya lang, at pampatalas na isip at talino ninuman.  Ito po ang unang-una kong tagalog blog.  Sana po magustuhan ninyo.  Masarap po pala talagang magsulat sa sariling wika.  Yun nga lang Pilipino lang ang makakaintindi.  O isang banyagang marunong mag-Tagalog.

Namumulot ho ba kayo ng sentimo sa daan?  Ako ho, minsan.  Pero pag minsan di ko na ho pinapansin.  May pagkakataong nakakita ako ng P500 dati sa Pizza Hut.  Kasama ko ang kapatid ko noon.  Mga bata pa kami.  Kukunin sana namin!  Kaya lang naunahan kami nung waiter.  Ay, sayang!

Ito po ay isa lang sa mga adbentyurs na matatagpuan niyo po sa blog na ito.  Tungkol sa pera.  Tungkol sa buhay.  Tungkol sa lablayp.  Hay!