Tuesday, October 26, 2010

Ekspiryens sa Pagbebenta

Ito ho ay isa sa mga ekspiryensiya ko sa pagbebenta.  Medyo bata pa ho ako noon.  Sa kagustuhan ko ho na makagawa ng pera, ako ho ay nagbenta ng Avon.  Isang araw nasa daan ho kami ng Mama ko.  Siya pauwi na, ako ay nagpaiwan sa daan.  Humingi ako ng P50 sa Mama ko, tangan ang dala kong Avon brosyur.  Sami ko sa sarili ko magbebenta ako.  Hindi ganoon kahirap.  Kahit kanino lang.  Ganon naman yon di ba?  Maraming potensyal na kostumer sa daan.  Sami ko patutubuin ko yung P50 na binigay sa akin ng Mama ko.  Pagdating ng hapon, kailangan mapatubo ko na ito.  Siyempre, nabigo ako.  Hindi ako nakabenta.  Pero nagalak ako dahil may natutunan ako.  Ang umasa sa Diyos, ang gawin ang imposible.  Mangarap at matutupad.  Parang isang bata.

Nung minsan naman wala akong ginagawa.  Sinubukan kong magbenta ng Avon sa isang saleslady sa loob ng mol.  Basta ka na lang di pinansin.  Tinanggihan.  Ay, aray.  Ang sakit pala maredyek.  Para kang pinangdidirihan.  Para walang tiwala sa iyo.  Masakit.  Ikaw naranasan mo na ba?

Unang-una kong benta sa Avon, isang eye mask.  Yung color aqua blue na nilalagay pa sa rep.  Mahal yon.  Pero yon ang una kong benta.  Ang kapatid ko ang kostumer.  Galing no!

No comments:

Post a Comment