Wednesday, October 27, 2010

Working Student

Nagkaroon ho ako ng pagkakataon na makapagtrabaho ng 2 buwan sa Jollibee.  Natatandaan ko pa ho non, sa may branch sa Megamall.  Papasok ho ako ng 9 nang umaga.  Manggagaling pa ho ako sa aming malayong lugar para lang ho umabot sa pagpasok sa umaga.  4 na oras ho ang syip.  Pagkatapos, papasok pa sa La Salle.  Hay!  Pagdating ko sa La Salle.  Pawis-pawisan na ako, at pagod na pagod, matutulog sa malamig na laybrari at saka gigising pag ka papasok na sa klasrum.  Hinang-hina ako.  Ubus na ang enerhiya ko sa pagtatrabaho.  Patpatin pa ako noon.  Minsan sakitin pa.  Tapos mag-aaral pa.  Para kang dobol syip.

Minsan naman klosing syip ako sa Jollibee.  Hanggang alas dose ng hatinggabi ako nagtatrabaho.  Siryoso kaming nagtatrabaho ng mga ka-syip ko, pawang mga kabataan din.  Magpapahintay ako sa Papa ko na galing sa pagtatrabaho sa kalapit ng Ortigas bisnes distrik bilang abogado.  Hanggang alas dose iyon.  Ang tiyaga ng Papa ko at mahal na mahal ako.  Salamat, Papa.  Mahal kita.  Namin nina Mama at kapatid.  Doon ko na-riyalays ang balyu ng pagtatrabaho.  Ang galing.  Ang sarap ng pakiramdam.  Ang sarap maramdaman.  Hindi lang para sa pera.  Kundi para sa pamilya.  At sa Diyos.  Ganoon pala ang buhay at karanasan ng ibang kabataan.  Kung ang iba gumigimik lang sa mga bar pag gabi.  Ako at ang iba kong nakasama, nagtatrabaho para may pera pantustos sa pangangailangan. 

No comments:

Post a Comment